Monday, September 15, 2014

PAGLILIGTAS NI JESUS


Patotoo ni Alma de Monteverde


Nitong nakararaang taon, nakaranas ako ng matinding karamdaman.  Nagkaroon ako ng TB BONE or INFECTION SA BUTO . . . na muntik ko nang ikamatay.  Kahit ang doktor ko ay nagulat sa naging resulta ng MRI ko kung bakit naigagalaw ko pa ang ibang bahagi ng katawan ko.  Sa result ng MRI ko, dapat ay paralized na ako. 


At isang gabi na natutulog ako, nanaginip ako na patay na ako.  Nagpasalamat ako sa Diyos at sabi ko ang sarap po pala mamatay, lahat po kasi ng pain ay nawala. . .subalit naalala ko ang anak ko at lumuhod ako kay Lord at nakiusap na ibalik n’ya po ako.  Hindi pa pala ako p’wede mamatay kasi may anak pa pala ako . . . kawawa naman siya . . at sa bahagi na yun, bigla akong nagising na pinagpapawisan at inaapoy ng lagnat.  Nanalangin ako at nagpasalamat sa Diyos dahil binalik n’ya ako.

----------
Ang larawan ay kuha ni Art Barbadillo

No comments:

Post a Comment