Monday, September 15, 2014

PANANAMPALATAYA: TUGON SA TAWAG NG DIYOS


Ni Lourdes Sabino

Ang pananampalataya ay isang bagay o saloobin ng isang tao na mahirap ipaliwanag. Maaaring ito ay madaling sabihin subalit sa kabila ng mga bagay na nangyayari sa iyong buhay ay mahirap tukuying kung ika'y sadyang nananampalataya.

Natutuhan ko ang kahalagahan ng pananampalataya ayon sa pag-aaral namin ng "Faith and Revelation."  Ang pananampalataya ay ang sagot sa mga inilahad ng Diyos para sa atin.  Kung paano tayo tatangkilik sa kagustuhan ng Panginoon.  Higit sa lahat ay kung paano tayo susunod sa kanyang banal na salita.

Natutunan ko rin kung paano magtiwala sa kanyang mga salita at magtiwala sa lahat ng kanyang mga nilalang.  Naniniwala ako na ang buhay natin ngayon ay kasalukuyang nasa kaganapan na ng kanyang pahayag.

Natutunan ko rin na ang pananampalataya ay hindi bagay na itinatago o sinasarili.  Ito ay dapat isinisiwalat o dapat ay ipina-aalam sa komunidad dahil ang pananampalataya ay bigay sa atin ng Panginoon na dapat lang nating ibahagi sa ating kapwa.

Ito ay hindi lang basta paniniwala o iniisip na ikaw ay naniniwala, dapat ito ay may kasamang gawa at pagdarasal.  Hindi lang ulo ang gagamitin kundi pati kamay at puso.
Ang pananampalataya sa Panginoon ay siyang nagbibigay ng sapat na kaalaman kung paano mabuhay ng mapayapa. Dahil sa pananampalataya natin sa kanya, tayo ay matututong sumunod at makinig, matututo tayong magmahal ng tapat gaya ng pagmamahal nya sa atin.  Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

----------
Ang larawan ay kuha ni Art Barbadillo

No comments:

Post a Comment